Pang-eespiya ng Huawei, under validation pa – PNP

Manila, Philippines – Patuloy na bineberipika ng Philippine National Police (PNP) ang mga ulat sa diumano’y pang-eespiya ng Chinese telecom na Huawei.

Nabatid na nagbabala si U.S. Secretary of State Mike Pompeo sa mga bansang gumagamit ng Chinese tech firm.

Ayon kay PNP Chief, Director General Oscar Albayalde – under validation pa rin ang mga natatanggap nilang mga impormasyon tungkol sa Huawei upang matiyak na ligtas ang Pilipinas mula sa mga banta mula sa ibang bansa.


Sakali aniyang tunay ito, mapanganib ito lalo na sa ating national security.

Sinabi ni Albayalde – patuloy na mag-o-operate sa bansa ang Huawei hangga’t walang kongkretong ebidensya na dawit ang kumpanya sa pang-eespiya at iba pang ilegal na aktibidad.

Facebook Comments