Pang-uuling, balak iregulate sa Sarangani

Sarangani – Aprubado na sa 3rd and final reading sa Sanguniang Panlalawigan ng Sarangani Province ang charcoal ordinance na magregulate sa pangongoling sa lalawigan ng Sarangani.

Ang charcoal ordinance ang tinitingnang kasagutan ng mga opisyal ng Sarangani para matuldukan na ang talamak na pamumutol ng mga puno sa kagubatan.

Sinabi ni Sarangani Board Member Arman Guilli na siyang may akda ng nasabing ordinansa na hindi na basta bastang makapamutol ng kahoy ang mga mangongoling dahil kailangan pa nilang magpaalam sa barangay.


Limitado na rin ang bilang ng puno na kanilang puputulin at limitado rin ang bilang ng sako ng uling na kanilang ibibenta sa isang araw.

Kung matatandaan na ikinaalarma na ng mga opisyal ng Sarangani ang epekto ng kawalan ng mga kahoy sa bukid dahilan ng mga pagbaha sa iilang bayan ng lalawigan.

Facebook Comments