Manila, Philippines – Walang nakikitang dahilan at pangangailangan si Senator Bam Aquino para palitan ang pangalan ng ating bansa.
Reaksyon ito ni Aquino sa isinusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte na palitan ng pangalang Maharlika ang Pilipinas.
Naniniwala si Aquino na posibleng makagulo lang ito sa relasyon natin sa ibang bansa.
Paliwang pa ni Aquino, kapag pinalitan ang Pilipinas ay kalailanganin ding palitan ang mga libro, mga papeles at mga dokumento.
Giit ni Aquino, ang dapat baguhin ay ang lipunan para mabigyan ng higit na tulong ang mamamayang Pilipino tulad ng mas magagandang trabaho at mas malaking suporta sa edukasyon.
Facebook Comments