Pinayagan na ng United Nations ang pagpapalit ng pangalan ng Turkey.
Ayon kay Turkish Foreign Minister Mevlut Cavusoglu, papalitan na nila ang pangalan ng kanilang bansa bilang Turkiye.
Layon aniya ng pagpalit ay para hindi maihalintulad ang bansa sa isang ibon.
Dahil dito ay madaragdagan kanilang kahalagahan.
Nabatid na hindi lamang ito ang unang beses na tinangka ng Turkey na palitan ang kanilang pangalan dahil noong kalagitnaan ng 1980 ay pinalitan na nila ito sa ilalim ni Prime Minister Turgut Ozal.
Facebook Comments