San Miguel Beermen Terrence Romeo, hindi na maglalaro sa 47th Season ng PBA

344

Wala pang katiyakan kung kailan makakabalik sa paglalaro ang point guard at shooting guard ng San Miguel Beermen na si Terrence Romeo.

Ayon kay Coach Leo Austria, noong nakaraang season pa ay iniinda na ni Romeo ang back spasm kaya pinagamot na niya ito.

Hirap na rin aniya itong makagalaw kaya pinayuhan nila ito na sumailalim sa therapy at rehabilitation.


Bunsod nito, Hindi na makakasama ng San Miguel Beermen sa 47th Season ng PBA si Romeo.

Aminado si Austria na isang malaking kawalan sa kanilang koponan si Romeo dahil sa kontribusyon nito sa bawat laro.

Facebook Comments