PANGALAWA SA PINAKAMALAKING SALT PRODUCTION SA BANSA NA ITATAYO SA BAYAN NG BOLINAO, PINAGHAHANDAAN NA NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG PANGASINAN

Puspusan ang paghahanda ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan matapos mapirmahan ang Memorandum of Agreement para sa Interim Management ng foreshore area para sa Salt Production na itatayo sa bayan ng Bolinao na katuwang ang Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Hinimok ang mga salt farmers ng lalawigan na makipagtulungan upang maging matagumpay ang pagbabalik ng operasyon ng salt production na nahinto ng dalawang taon dahil na rin sa pandemya.
Layunin ng nasabing pagpapatayo ng salt production na maging pinakamalaking kuhanan ng suplay ng asin sa buong bansa, na magpapayabong hindi lamang sa aspeto ng produksyon, pati na rin sa aspeto ng turismo at agrikultura ng lalawigan.

Tiniyak naman ng Provincial Government na sapat ang ilalaang pondo at ang pakikiisa ng iba pang mga stakeholders upang maging matagumpay ang pagpapatakbo sa salt production.
Samantala, plano naman itong maumpisahan na sa last quarter ng taong 2023. |ifmnews
Facebook Comments