HULING GABI AT NECROLOGICAL SERVICE NG YUMAONG ALKALDE NG BAYAN NG CALASIAO, ISASAGAWA SA MUNICIPAL PLAZA

Gaganapin sa Municipal plaza ng bayan ng Calasiao ang huling gabi at necrological service para sa yumaong alkalde ng bayan.
Ito ang inanunsyo ng pamilya ng alkalde kung saan ngayong araw ng Martes, alas 4 ng hapon dadalhin sa plaza ang mga labi nito at susundan ng isang necrological service para sa huling gabi ng pumanaw na punong bayan.
Base sa FB Post nito, ay ilalaan ang kanyang huling gabi para sa taum-bayan na nais masilayan sa huling sandali ang alkalde. Ito ay bilang paghahanda sa libing ng alkalde sa Enero 18, 2023, Miyerkules at dadalhin sa huling hantungan sa Garden of Eden Memorial Park, San Miguel.

Samantala, ipapatupad naman ang TEMPORARY ROAD CLOSURE MULA 5:30 A.M. TO 10:00 A.M. SA araw ng JANUARY 18, 2023 para sa libing ni Mayor Mamilyn Caramat sa nasabing lugar.
Kung saan ayon sa inilabas ng LGU Calasiao, ay lahat ng PUJ at PUV VEHICLES na magmumula sa mga bayan ng SAN CARLOS CITY, BAYAMBANG, at MALASIQUI na dadaan sa bayan ng calasiao ay papuntang dagupan cit ay kailangan kumanan sa bahagi ng TODA POBlacion east papuntang AMCO at kakanan papunta san ort sector.
Ang alkalde ay matatandaang nailuklok bilang kauna-unahang babaeng alkalde ng bayan ng Calasiao sa loob ng anim na buwan. |ifmnews
Facebook Comments