Nakabukas na rin ang ikalawang molecular laboratory ng Philippine National Police (PNP) sa Davao City.
Ito ang inihayag ni Police Deputy Director General for Administration Lieutenant General Guillermo Eleazar na siya ring Commander ng Administrative Support for COVID-19 Task Force (ASCOTF).
Aniya, nasa 118 na mga police personnel ang sumalang sa Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test noong February 11 at February 22 kung saan apat sa mga ito ang nagpositibo at ngayon ay tinutulungan ng PNP.
Sinabi ni Eleazar layunin ng pagtatayo ng molecular laboratory sa Davao ay upang maalagaan ang mga pulis na nakatalaga sa Mindanao kontra COVID-19.
Ang ikalawang molecular laboratory ay may kakayanang mag-accommodate ng 170 na COVID-19 tests kada araw na may nakatalagang 17 PNP personnel.