Pangamba ng publiko ukol sa paglaganap ng sakit na cholera, pinawi ng DOH-10

Cagayan de Oro, Philippines – Pinawi ng Department of Health ang pangamba ng publiko ukol sa paglaganap ng sakit na cholera sa mga evacuation center gaya ng sa Iligan City.

Basi sa DOH – region 10, totoong nakaranas ng pagtatae, pagsusuka, pagsakit ng tiyan at pagpositibo sa cholera ang ilan sa mga evacuee, pero agad naman silang dinala sa hospital.

Siniguro naman ni DOH – 10 regional Director Nimfa Torrizo na pagtutuunan nila ng pansin ang kalusogan ng mga internally displaced person upang maiwasan ang cholera outbreak.


Kabilang sa paalalang kanilang ibinigay ay ang water testing at pag-monitor sa mga portalets, wastong pagtapon ng basura at maayos na drainage system.

Facebook Comments