Nito lamang Biyernes, Pebrero 25, 2022, nagsagawa ng Inter-Agency Ancestral Domain Visitation and Consultation na pinangunahan ni NTF-ELCAC Executive Secretary at National Commission on Indigenous People (NCIP) Chairperson Allen A. Capuyan sa Tribong Bugkalot at Dumagat sa Brgy Pelaway, Alfonso Castaneda, Nueva Vizcaya.
Inihayag ni Capuyan ang pangangailangan ng nagkakaisang aksyon ng komunidad sa pamamagitan ng kanilang mga nakaugaliang batas sa pagharap sa lahat ng uri ng isyu na nakakaapekto sa kanilang mga karapatan.
Hinimok naman ng kalihim ang tribung Bugkalot at Dumagat ICCs/IPs na magkaisa at kumilos bilang isa para magkaroon ng matibay na pundasyon sa pagharap sa mga hamon at maging matatag laban sa mga banta at pagsasamantala.
Samantala, binigyang-diin ni 703rd Infantry (AGILA) Brigade, Deputy Brigade Commander, Colonel Allan Jose Taguba ang suporta ng hanay ng kasundaluhan para sa proteksyon ng mga karapatan ng bawat Indigenous People (IP) at ang pangangalaga sa Ancestral Domains.
Dumalo rin sa aktibidad si Lieutenant Colonel Enrico Gil C Ileto, Commanding Officer 84th Infantry (VICTORIOUS) Battalion.