EDSA bus carousel, handa na para sa full seating capacity bukas sa ilalim ng Alert Level 1

Handa na ang EDSA bus carousel sa pagpapatupad ng 100% kapasidad o punuan sa mga pasahero.

Ito ay kasabay ng unang araw ng na nasa ilalim ng Alert Level 1 ang Metro Manila.

Excited na nga sila dahil ito ay nangangahulugang dagdag kita at mas madaming masasakay ng pasahero na pabor din sa pasahero dahil bibilis ang paghihintay sa pila.


Sa ngayon, 70% capacity nasa 40 na pasahero lang ang kanilang naisasakay pero bukas 50 hanggang 60 na.

Sa kabila nito, titiyakin ng mga dispatcher na na upuan lang ang pupunuin hindi tulad ng dati na tayuan at halos dikit-dikit na ang mukha ng mga pasahero.

Samantala, tiniyak naman IACT na tuloy-tuloy pa rin ang kanilang operasyon para hulihin ang overloaded na sakay ng mga pasahero.

Facebook Comments