Pangangalap ng bilang ng mga nahuhuling lumalabag sa Smoking Ban, aksaya lamang ng panahon ayon sa DOH

Manila, Philippines – Sa kasalukuyan, ayon ay Health Secretary Paulyn Jean Ubial ay wala silang kabuuang bilang kung ilan na ang nahuhuling lumalabag sa Smoking Ban sa bansa.

Aniya, pag-aaksaya lamang ng panahon ang pagkuha ng datos mula sa mga LGUs na hindi naman naiimplementa ng lubusan ang Smoking Ban, mayroon kasing mga reklamo kaugnay sa ilang casino ang nananatiling pasaway ang itinatawag sa kanilang tanggapan.

Ayon sa kalihim, ipinauubaya na ng Department of Health sa Department of Interior and Local Government ang pagpapataw ng sanction at muling pagpapaalala sa mga LGUs na hindi tumatalima sa Smoking Ban.


Ayon kay Ubial, ang ginagawa ngayon ng DOH ay ang pagpapaigting ng kampanya kaugnay dito at ang suporta na agad maipagbigay alam ng DOH sa local government na nakakasakop sa mga establishimentong inirereklamo sa kanila.

Facebook Comments