Pangangampanya gamit ang social media, may hiwalay na guidelines – COMELEC

Kinumpirma ng Commission on Elections (COMELEC) na may hiwalay na guidelines para sa pangangampanya ng mga kandidato sa 2022 national election gamit ang social media.

Sa pagdinig sa Kamara, naitanong ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga kung ano ang update sa paggamit ng social media para sa “streaming” ng campaign rallies ng mga kandidato lalo’t tiyak na may COVID-19 pandemic pa sa 2022.

Sinabi ni COMELEC Commissioner Marlon Casquejo na may ilalabas silang ibang “rules” o panuntunan para sa pangangampanya sa pamamagitan ng social media.


Isa pang tanong ni Barzaga sa COMELEC, kailan ilalabas ang rules at kung ano ang mga limitasyon dahil marami na aniyang kandidato ang nagtatanong kung uubra na ba silang mag-post ng kanilang campaign jingles tulad sa Facebook.

Ayon kay Casquejo, noong Nov. 3, 2021 pa aniya naisumite sa COMELEC en banc ang naturang guidelines para sa online campaigning at kasalukuyan pang pinag-aaralan.

Inaasahan aniya na maaprubahan ito sa susunod na pulong ng en banc sa November 17.

Facebook Comments