Pangangampanya sa Huwebes Santo at Biyernes Santo, mahigpit na ipinagbabawal – COMELEC

Mahigpit na ipinagbabawal ng Commission on Elections (COMELEC) ang pangangampanya simula bukas, Huwebes Santo hanggang Biyernes Santo.

Ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia, ang pangangampanya sa mga naturang araw ay “grounds for disqualification” alinsunod sa umiiral na batas sa campaign ban na tinatawag na ‘quiet period’.

Aniya, malinaw na ito ay isang election offense kung kaya’t hinihimok ang mga kandidato na sumunod lalo na’t dalawang araw lang naman silang hindi makakapangampanya.


Dagdag pa ni Garcia, sana ay gamitin itong pagkakataon ng mga pulitiko para makapagnilay-nilay at bigyan ng pagkakataon ang publiko makapagdaos ng maayos sa Semana Santa.

Ang mga lalabag sa naturang kautusan ay maaaring makulong ng hanggang anim na taon, ma-disqualify, at matanggalan ng karapatang maupo sa pwesto, at makaboto.

Facebook Comments