Mga pauwing probinsya ngayong Semana Santa, dagsa na sa Batangas Port

64

Dagsa na sa Batangas Port ang mga pasaherong magsisiuwi sa mga probinsya ngayong Miyerkules Santo.

Nabatid na karamihan sa mga pasahero ay papuntang Puerto Galera, Romblon, Abra de Ilog, Caticlan, Iloilo, Roxas, at Antique.

Tulad ng inaasahan ay mahaba na ang pila ng mga sasakyang isasakay sa mga RoRo at maging ang pila sa mga ticketing booth ng mga shipping line.


Kaugnay nito ay inaprubahan na rin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagbiyahe ng mga bus sa mga rutang pa-Laguna at Batangas sa Araneta City Bus Station.

Samantala, pinayagan na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga sasakyang pandagat na makabiyaheng muli, partikular sa mga pantalan ng Matnog, Sorsogon, Bicol, at mga pantalan sa Visayas at Mindanao kasunod ng pagbuti ng lagay ng panahon.

Facebook Comments