Pangangaroling at Panlilimos ng mga bata, ‘Di dapat kunsintihin-CSWD!

*Cauayan City, Isabela- *Pinapa-alalahanan ng City Social Welfare and Development (CSWD) ang mga Cauayeño na iwasang magbigay ng pera sa mga batang nanlilimos at nangangaroling sa lansangan dito sa lungsod ng Cauayan.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Ms. Ernalyn Grace Castillejos, ang Social Welfare Aid ng CSWD, hindi umano dahilan ang pasko o holiday season upang kunsintihin ang pamamalimos ng mga bata na bawal rin naman sa batas.

Aniya, pangungunsinte lamang ang pagbibigay ng pera sa mga batang nangangaroling na hindi naman anya alam ng mga ito ang kanilang inaawit na Christmas song.


Nilinaw naman ni Ms. Castillejos na mas mainam pa na binibigyan ng pera o aguinaldo ang mga grupo na maayos ang kanilang pag-awit o talagang naangangaroling.

Delikado rin kasi aniya sa mga bata na nangangaroling sa mga lansangan na walang kasamang nakakatanda lalo na kapag gabi.

Samantala, iminungkahi naman ni Ms. Castillejos na mas mainam na magbigay na lamang ng donasyon sa mga ahensya ng gobyerno, NGO’s o religious institutions kung nais na tumulong sa kapwa upang hindi makunsinti ang mga namamalimos o nananamantala ng holiday season.

Facebook Comments