Cauayan City, Isabela- Inanunsyo ni Kalinga Lone District Representative Allen Jesse Mangaoang na malapit na umanong makamit ang pinapangarap na pagiging Autonomous region ng mga Cordilleran.
Ito ay makaraang aprubahan ng Committee on Local Government (CLG) Draft Substitute Bill 5687 or the Act Establishing the Autonomous Region of the Cordilleras.
Sa virtual meeting ng House of Representatives Committee on Local Government (CLG) sa panukalang batas noong Disyembre 2020, minsan umano ay nahahati sa pagitan ng Region 1 at region 2 mula 1972 hanggang 1987 kung saan higit na handa na tutukan ang pagiging Autonomous region.
Ipinaliwanag rin ng kongresista na ang kabiguan ng mga nakaraang attempts sa paghahain ng regional autonomy ay sanhi umano ng hindi magandang pamamahagi ng impormasyon, kawalan ng kahandaan at pagkakaisa sa mga lalawigan.
Matatandaan na noong July 14, 2021 ng hilingin ng mambabatas kay Pangulong Duterte na sertipikahan urgent ang autonomy bill na nakabinbin noon sa kamara at senado.
Kaugnay nito, nagpasalamat naman ang mambabatas sa lahat ng mga ahensya ng gobyerno dahil sa tulong ng mga ito na tuluyang maaprubahan ang pagiging autonomous region.
Sa kasalukuyan, hihintayin pa rin ang pag-apruba sa ikatlo at huling pagbasa sa plenaryo sa panukalang batas na pagtatatag ng Autonomous Region of the Cordillera.