PANGARAP NA DIALYSIS CENTER NG WESTERN PANGASINAN DISTRICT HOSPITAL, BINIGYANG KATUPARAN NI GOVERNOR GUICO

Sa loob ng animnaput dalawang taong operasyon ng Western Pangasinan District Hospital, sa ilalim ng pamumuno ni Governor Ramon V.Guico III natupad ang pangarap na magkaroon ito ng Dialysis Center.

Nitong Lunes, opisyal nang nag-operate ang 15-seater Dialysis Center.

“Ang lapit na lang. Dati, dalawang oras ang byahe ko mula Bani papuntang PPH sa San Carlos City. Pero ngayon, minuto na lang. Napakalaking tulong po nito sa aming mga nagda-dialysis. Maraming salamat kay Governor Mon-Mon Guico,” ito ang pahayag ni DESCEBELLE ORDOÑEZ, isang dialysis patient.

Bukod sa mas malapit, ang pinakamagandang balita ay libre ang dialysis treatment sa WPDH na matatagpuan sa Alaminos City.

Pangangalaga sa kalusugan ng bawat Pangasinense ang isa sa mga prayoridad na programa ni Governor Guico. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments