PANGASINAN, MAGPAPADALA NG DALAWANG KANDIDATA SA MISS UNIVERSE PHILIPPINES 2026 – IDOL MAYA

Not one, but two queens ang kakatawan sa lalawigan ng Pangasinan para sa National Pageant na Miss Universe Philippines 2026.

Ito ang inanunsiyo ng Miss Universe Philippines – Pangasinan Organization bago matapos ang buwan ng Enero ngayong taon.

Ayon sa kanilang official Facebook page, “Two is better than one” kaya naman nag desisyon silang dalawa ang ipadalang kandidata para sa naturang pageant sa katauhan nina Donna Rein Niguid ng Dagupan City at Rose Ann Albania ng San Carlos City.

Matatandaan na noong January 24, 2026 ay kinoronahan si Donna Rein bilang title holder ng Miss Universe Philippines – Pangasinan at First Runner Up naman si Rose Ann.

Subalit matapos ang ilang deliberasyon, napagdesisyunan ng organization na ipadala ang dalawang kandidata bilang kinatawan ng Pangasinan.

Bagamat naging kwestyunable ito para sa ilan, paliwanag ng MUPH Pangasinan, ang pagkakaroon ng dalawang kandidata ay kanilang hakbang upang mas mapalaki pa ang tiyansa ng lalawigan na manalo.

Kaya naman, bumubuhos ngayon ang suporta para sa ating dalawang reyna na sanib pwersang lalaban para maiuwi ang korona.

Facebook Comments