Nagpatupad ng bagong travel restrictions ang lalawigan ng Pangasinan sa mga indibidwal na magmumula sa National Capital Region Plus o tinatawag na NCR Plus matapos isailalim ang lugar sa General Community Quarantine.
Sa Executive Order No. 0049-2021, na inilabas ng pamahalaang panlalawigan, nakasaad dito na partially lifted na ang travel restrictions sa NCR Plus upang bigyang daan ang panunumbalik ng ekonomiya at pag-iingat pa rin sa public health.
Sa ilalim ng bagong travel restrictions, pinapayagan lamang umano ang point-to-point travel dito.
Ang mga inter-provincial bus ay dapat point-to-point lamang. Lahat ng mga turistang manggagaling dito ay kailangang magpakita ng negatibong resulta ng RT-PCR test bago makapasok sa lalawigan.
Ang 9: 00pm-4:00am na curfew ay mahigpit namang ipatutupad sa buong lalawigan bilang pag-iingat pa rin sa nararanasang pandemya dulot ng COVID-19.