MASSIVE INFORMATION DISSEMINATION CAMPAIGN UKOL SA SOCIAL PROTECTION, ISINAGAWA NG LGU CALASIAO

14

CALASIAO, PANGASINAN – Isinagawa ng Municipal Social Welfare and Development Office ng bayan ng Calasiao ang Massive Information Dissemination Campaign on Social Protection Programs and Services na pinangunahan naman ng alkalde ng bayan katuwang ang buong lokal na pamahalaan at mga kawani ng MSWDO.

Tinalakay at isa isang ipinaliwanag sa naturang aktibidad ang mga alituntunin, mga serbisyo at mga benepisyo na maaaring makuha ng mga Senior Citizens, Solo Parents, PWDs at CWDs ng bayan.


Sa ilalim ng programa, ang mga kwalipikadong indibidwal ay bibigyan ng karagdagang kakayahan na mas mapaganda pa ang kanilang pamumuhay at magkaroon ng maayos na pagkakakitaan.

Kaugnay pa nito, nakatanggap rin ang mga dumalo ng food packs, sanitation kits.
Lubos naman ang pasasalamat ng LGU ng Calasiao sa patuloy na suporta ng mga residente dito at maging ang patuloy na pagsunod sa umiiral na health protocols sa kabila ng pandemya.

Facebook Comments