PANGASINAN PDRRMO, MULING NAGPAALALA SA KALIGTASAN TUWING MAY LINDOL

Muling iginiit ng Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang mahalagang gampanin ng wastong kaalaman at pagiging alerto tuwing lindol.

Bukod sa “duck, cover, and hold”, dapat ay isaalang alang din ang kinaroroonan kapag naabutan ng lindol sa loob o labas ng mga establisyimento o sasakyan.

Kung nasa labas ng bahay habang lumilindol, pumunta agad sa lugar na malayo sa mga puno, poste, o anumang bagay na maaaring bumagsak upang maiwasan ang matamaan ng mga bumabagsak na bagay.

Kapag nasa loob naman ng gusali, pumunta sa ilalim ng armchair o mesa upang maprotektahan ang sarili mula sa mga bumabagsak na debris o gamit.

Kung nasa matataas na gusali o kaya nasa loob ng elevator ay lumabas agad sa pinakamalapit na palapag kapag huminto ito upang makaiwas sa ma-trap sakaling masira ang kuryente o sistema ng elevator.

Hindi inirerekomenda ang pagbaba dahil maaari itong magdulot ng aksidente, lalo na kung may pagyanig pa.

Giit ng tanggapan ang pagiging handa ng publiko at pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa panahon ng sakuna.

Bahagi rin ito sa ng adbokasiya ng tanggapan upang mapanatiling ligtas ang publiko nang may wastong kaalaman sa anumang sakuna. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments