PANGATLONG BATCH NG MGA CATARACT PATIENTS SA DAGUPAN, SUMAILALIM NA SA LIBRENG OPERASYON

Matagumpay na sumailalim ang mga cataract patients sa Dagupan City sa libreng operasyon handog para sa kanila.
Pangatlong batch na ito ng libreng operasyon ng lungsod na isinagawa at tatlumpung beneficiaries ang sumailalim ngayon dito.
Ang first and second batch ng mga naoperahan noong October 22 & 24 ay nagkaroon naman ng follow-up check-up para matiyak ang tuloy-tuloy na pagbuti ng kanilang paningin.

Nasa siyamnapung cataract patients na ang natulungan ng free eye check-up/ screening/ at Cataract Operation Program maliban pa sa Excision of Pterygium at iba pang eye conditions na natulungang masuri ng mga doktor at espesyalista sa mata.
Tuloy-tuloy pa rin ang programa at sa ngayon ay nasa walumpung bagong pasyente ang nagpakonsulta sa mga eksperto at nakararanas ng panlalabo ng paningin. |ifmnews
Facebook Comments