Kinastigo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panggigipit ng Senado sa mga resource person sa nagpapatuloy na pagdinig ng senado hinggil sa maanomalyang pagbili ng gobyerno ng mga medical supplies sa Pharmally Pharmaceutical Corporation.
Partikular na pinuna ng pangulo ang pagpapakulong kay Pharmally officer Lincoln Ong dahil sa pag-iwas sumagot sa tanong ng mga senador.
Sa Talk to the Nation ng pangulo kagabi, tinawagang-pansin nito ang Commission on Human Rights (CHR) kung ano ang masasabi sa ginawa ng senado kay Ong.
Itinanong pa ng pangulo kung matatawag bang due process kung ayaw tnaggapin ng mga senador ang sagot ng kanilang tinatanong.
Kasabay nito, tinawag din ng pangulo ang pagpapakulong kay Ong na mas matindi pa sa martial law.
Facebook Comments