PANGGULO LANG | Sen. Pimentel, nakakatiyak na mababasura ang inihaing disqualification case laban sa kanya

Manila, Philippines – Buo ang kumpyansa ni Senator Koko Pimentel na ibabasura agad ng Commission on Elections o Comelec ang disqualification case na inihain laban sa kanya ni Atty. Ferdinand Topacio.

Para kay Pimentel, panggulo lang o nuisance ang petisyon ni Topacio na nagsasabing natapos na niya ang kanyang dalawang termino sa Senado simula noong 2007 kaya hindi na siya maaring kumandidato sa 2019 elections.

Si Senator Juan Miguel Zubiri ang idineklarang panalo noong 2007 pero nanalo si Pimentel sa kanyang election protest at naupong senador noong 2011 kaya hindi nabuo ang kanyang unang termino at dalawang taon lang itong nakapagsilbi sa Senado.


Diin ni Pimentel, hindi rin akma sa kanyang sitwasyon ang mga nadesisyunan nang kaso na tinukoy ni Topacio sa inihaing petisyon.

Sigurado si Pimentel na nasa panig nila ang konstitusyon, ang batas at ang jurisprudence o mga naging pinal nang desisyon ng Korte Suprema.

Facebook Comments