Pangingisda ng galunggong sa karagatan ng Palawan, pinayagan na muli ng BFAR

Binuksan na muli ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) para sa mga mangingisda ang karagatan ng Palawan para sa panghuhuli ng isdang galunggong.

Ito’y matapos alisin ng BFAR ang 3-month closed fishing season sa Northeastern Palawan.

Ayon kay BFAR Director Eduardo Gongona, dahil sa pagbukas ng karagatan na mayaman sa isdang galunggong muli na namang maibalik ang sigla at mataas na supply nito sa mga pamilihan sa Metro Manila.


Sabi pa ni Gongona, ang probinsiya ng Palawan ang major supplier ng galunggong sa Kamaynilaan na ang 95 percent ng average na huli ay ibinabagsak sa Navotas fish port.

Dahil dito, asahan nang maging matatag at bababa ang presyo ng galunggong at iba pang fish commodities sa mga pamilihan sa National Capital Region sa mga susunod na linggo.

Facebook Comments