Pinayuhan ng Malakanyang ang mga Pilipinong mangingisda na ituloy ang pangingisda sa traditional fishing grounds sa West Philippine Sea.
Kasunod ito ng muling paghahain ng protesta ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa fishing ban na ipinatupad ng China sa South China Sea.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, patuloy na nakaagapay ang Philippine Coast Guard (PCG) para protektahan ang mga mangingisda.
Habang wala rin aniyang extra-territorial application ang mga batas ng dayuhang bansa gaya ng ginawa ng China.
Facebook Comments