Pangingisda sa Davao Gulf, ipinagbawal na sa loob ng tatlong buwan ayon sa BFAR

Ipinatupad na simula kahapon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang Closed Season Fishing sa Davao Gulf.

Ayon sa BFAR sa panahon ng buwan ng Hunyo hanggang Agosto ay ipinagbabawal na nila ang panghuhuli ng malilit na pelagic fish species sa nasabing karagatan gamit ang bagnets, ring nets at mga pinong mesh nets.

Paliwanag ng BFAR layon umano nito na makapagparami ang mga species ng isda tulad ng mga variety ng mackerel na karabalyas, hasa-hasa, anduhao, alumahan, galunggong, moro-moro o borot.


Dagdag pa ng BFAR na sa pamamagitan umano nito ay makatitiyak ang bansa ng sapat na produksyon ng isda at food security sa mahabang panahon.

Facebook Comments