Pangulong Bongbong Marcos, hinikayat ang League of Cities of the Philippines na manguna sa pagpapaunlad ng ekonomiya sa gitna ng pandemya

99

Kinilala ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos ang papel ng mga Local Government Units (LGU) na manguna sa pagpapaunlad ng ekonomiya sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Sa courtesy call ng League of Cities of the Philippines (LCP) sa Malacañang ay ibinahagi ni LCP executive vice president at Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga hinaing ng kanilang grupo.

Dumalo naman sa pamamagitan ng video conferencing si LCP national president at Cebu City Mayor Michael Rama na naka-quarantine matapos magpositibo sa COVID-19.


Sa naturang courtesy call ay hinikayat ng panuglo na manguna ang mga miyembro ng LCP sa hakbang ng gobyerno para mapaunlad ang ekonomiya.

Facebook Comments