Marawi City – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na nakatakdang bumalik si Pangulong Rodrigo Duterte sa Marawi City para sa turn over ng mga temporary shelters na ipinatayo ng pamahalaan para sa mga residente ng lungsod na naapektuhan ng bakbakan sa pagitan ng militar at ng Maute ISIS terror Group.
Ayon ay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, 500 housing units ang nakatakdang i-bigay sa mga benepisyaryo sa susunod na buwan.
Sinabi din ni Roque na magtatayo ng nasa 1000 pabahay ang pamahalaan para sa mga maggagawa at guro ng Mindanao State University sa Marawi City.
Papatagin din aniya ang main battle area at magtatayo ng mga baging imprastraktura, lalawakan ang mga kalsada at magkakaroon din aniya ng underground electric cable ang sistema ng pagbibigay ng kuryente sa lungsod.
Para aniya mapalakas pa ang terorismo sa lungsod ay pagagandahin din ng pamahalaan ang Agus river para maging tourist spot.