MANILA – Bibisitahin ngayong araw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Russian warships na nakadaong sa peir 15 sa Maynila.Dalawang Russian Navy Ship ang nasa pilipinas para sa goodwill visit, na dumating nitong Lunes.Positibo naman ang malakanyang na lalakas pa ang pagkakaibigan ng Pilipinas at Russia bunsod ng goodwill visit.Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella – indikasyon ang pagdalaw ng Russian naval force sa bansa na mas lumakas pa ang maritime cooperation at pagkakaibigan ng Pilipinas at ng Russia.Ayon naman kay Russian Ambassador to the Philippines Igor Khovaev, malaking karangalan para sa kanilang bansa sakaling matuloy ang pagbisita ng pangulo.Anya, pinag-aaralan na ng Pilipinas at Russia ang pormal na kasunduan para sa defense cooperation kasama na rito ang joint military exercises at pagbibigay nila ng armas at kagamitang pandigma sa Pilipinas.
Pangulong Duterte – Bibisitahin Ngayong Araw Ang Russian Navy Vessel Sa Maynila
Facebook Comments