Pangulong Duterte, bibisitahin umano ang mga poultry farmers sa Pampanga sa susunod na linggo

Manila, Philippines – Pupuntahan umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ng mga poultry farmers na naapektuhan ng brid flu virus sa Pampanga.
Ayon kay Agriculture Secretary Manny Pinol, nakatakdang pumunta sa San Fernando Pampaga ang Pangulo sa darating na lunes para alamin ang sitwasyon ng mga paultry Farmers.
Ibinida ni Pinol na kakain ng Balut, Chicken Barbecue at itik si Pangulong Duterte.
Ito aniya ay upang mapatunayan na ligtas ang mga paultry products mula sa nasabing lalawigan at ipakita na walang dapat ikabahala ang mamamayan dahil mismong si Pangulong Duterte na ang susubok nito.

Facebook Comments