Manila, Philippines – Nagbigay ng payo si Pangulong Rodrigo Duterte kay US President Donald Trump sa press briefing kagabi matapos ang 30th ASEAN Summit kaugnay sa namumuong tensiyon sa pagitan ng North Korea at United States nitong mga nakalipas na linggo.
Aniya, kailangan lang ng pasensiya at pang-intindi para maiwasan ang paglala ng sitwasyon.
Dagdag pa ng Pangulo, sa oras na lumala ang sitwasyon sa pagitan ng dalawa, siguradong ang asya ang pinakaunang magdurusa dito.
Samantala, muling nakausap ni Pangulong Duterte si US President Trump sa telepono bandang alas onse kagabi.
Ang naturang tawag ay kasunod ng inaasahang pagbisita ni Trump sa Pilipinas sa Nobyembre para makibahagi sa 1st ASEAN Summit and related meetings.
DZXL558
Facebook Comments