Konsehal, patay; isang katao, sugatan sa pamamaril sa Tacurong, Sultan Kudarat

Sultan Kudarat, Philippines – Patay ang isang konsehal habang isa ang sugatan sa naganap na pamamaril sa isang kasalan sa isang restaurant sa Barangay Calean, Tacurong, Sultan Kudarat.

Ayon sa hepe ng Tacurong city PNP na si Police Supt. Rannie Hachuela, nagkunwari umanong bisita ang suspek nang paulanan nito ng bala si Datu Abdullah Sangki Maguindanao Municipal Councilor Narhasin Malaguia Ulangkaya, 28, residente ng Das, Maguindanao.

Nadamay naman sa pamamaril si Norma Dalatin Karatuan, 52, ng Mangudadatu, Maguindanao na kasalukuyang kritikal.


Narekober sa crime scene ang kalibre. .45 na baril.

Sa ngayon inaalam pa ng kapulisan ang motibo sa nasabing pamamaril sa municipal councilor.
DZXL558

Facebook Comments