Pangulong Duterte, biniro ang anak na ituloy nila ang ‘Duterte tandem’

110

Hindi naiwasan ni Pangulong Rodrigo Duterte na biruin ang kaniyang anak na si Vice President-elect Sara Duterte, isang araw bago ang inagurasyon nito bukas, June 19, 2022 .

Pagbibiro ng Pangulong Duterte kay VP Sara, ituloy nila ang ‘Duterte tandem’ at pamunuan ang bansa sa loob ng labing isang araw.

Isa umano itong ‘coincidence’ at unang pangyayari sa kasaysayan ng bansa kung saan nasa pinakamataas na pwesto ang anak at ang kanyang ama.


Manunumpa si VP Sara sa Davao City bukas, June 19 at inaasahang magsisimula bilang ikalawang pangulo ng bansa sa June 30.

Facebook Comments