San Miguel Beermen, pinatumba ang Magnolia Chicken Timplados sa nagpapatuloy na 2022 PBA Philippine Cup

69

Wala pang talo ang San Miguel Beermen sa nagpapatuloy na 2022 PBA Philippine Cup.

ito ay matapos na talunin ang Magnolia Chicken Timplados Hotshots 87-81 kung saan mayroon na silang tatlong panalo.

Bumida sa panalo si Mo Tautuaa na nagtala ng 19 points, limang rebounds at dalawang assists habang mayroong 14 points, anim na rebounds, dalawang assists at dalawang blocks si June Mar Fajardo.


Nabatid na hawak pa ng Magnolia ang kalamangan 42-35 sa third quarter hanggang humabol ang Beermen sa pamamagitan ni Tautuaa na at naitala ng 12-5 run at nakuha ang unang kalamangan sa laro 50-47.

Facebook Comments