Pangulong Duterte, bumuwelta sa mga batikos kaugnay sa umano’y kawalan ng recovery plan ng pamahalaan sa COVID-19 pandemic

Pumalag si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga batikos at puna laban sa kanyang administrasyon kaugnay sa bigong pagbibigay ng malinaw na recovery plan sa COVID-19 pandemic.

Una na kasing umani ng mga puna ang naging State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo noong Lunes, July 27, dahil sa kawalan ng malinaw na roadmap para sa pagtugon sa Pilipinas laban sa nasabing virus.

Sa ginanap na briefing ng mga gabinete sa Malacañang, nilinaw ni Pangulong Duterte na kaya siya hindi muna naglatag ng roadmap ay dahil ikino-konsidera niya ang pagkukuhanan ng pondo at ang availability ng bakuna.


Una nang nakipagpulong ang Pangulong Duterte sa kanyang economic cluster upang matiyak na may nakalaang pondo ang recovery plan ng pamahalaan sa proposed 2021 national budget.

Pinamamadali na rin ni Duterte sa Kongreso ang pagpasa ng Bayanihan to Recover as One Act kung saan nakalaan ang 140-billion pesos stimulus package bilang pagtugon sa epekto ng COVID-19 crisis.

Facebook Comments