Pangulong Duterte, Dadalaw sa Isabela ngayong araw!

Cauayan City, Isabela – Nakatakda ngayong araw ang pagbisita o pagdalaw ni pangulong Rorigo Duterte sa lalawigan ng Isabela upang personal na alamin ang sitwasyon ng mga naapektuhan ng bagyong ompong.

Haharap ang pangulo sa mga lokal na opisyal ng Isabela sa pangunguna ni Governor Faustino “Bojie” Dy III kung saan ay magkakaroon ng briefing kaugnay sa mga naapektuhan ng bagyo.

Matatandaan na umabot sa 3.6 bilyong piso ang halaga ng napinsala ng bagyo sa agrikultra at imprastraktura kaya’t isinailalim ang lalawigan ng Isabela sa state of calamity.


Unang inihayag ni Gov. Bojie Dy na maaring tumaas pa ang halaga ng pinsala pagkatapos na makuha ang lahat ng resulta mula sa ibat ibang bayan dito sa Isabela.

Nakatakda ring iprisinta kay pangulong Duterte ang mga sumukong kasapi ng NPA at mga narekober na mga baril at pampasabog sa mga naganap na sagupaan ng military ng NPA amakailan.

Facebook Comments