Pangulong Duterte, dalawang bansa ang bibisitahin sa susunod na Linggo

Manila, Philippines – Nakatakdang bisitahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Myanmar at Thailand sa susunod na Linggo.

 

Sa briefing ni Foreign Affairs Spokesman Undersecretary Charles Jose, March 19 hanggang 20 ay nasa Myanmar si Pangulong Duterte at lilipad ito patungong Thailand sa March 20-22.

 

Ang dalawang bansa nalang kasi aniya ang hindi pa nabibisita ni Pangulong Duterte sa Southeast Asia mula nang manalo ito sa halalan.

 

Sinabi ni Jose na magkakaroon ng Bilateral meeting si Pangulong Duterte kasama si Mayanmar President U Htin Kyaw kasama ang iba pang matataas na opisyal ng naturang bansa.

 

Sa Thailand naman ay makakapulong ni Pangulong Duterte si Thai President Prayut Chan-o-Cha at mga matataas na opisyal ng Thailand.

 

Ang official visit aniya ni Pangulong Duterte sa dalawang bansa ay inaasahang magpapalakas pa ng relasyon ng mga ito sa Pilipinas.

 

Inaasahan din naman aniyang lalagda ang Pilipinas ng mga kasunduan sa dalawang bansa sa larangan ng agriculture, science and technology, energy at education pero ang mga ito aniya ay isinasapinal pa.

 

Haharap din naman si Pangulong Duterte sa Filipino Community sa dalawang bansa.

Facebook Comments