Pangulong Duterte, hindi ipinag-utos na kausapin ang Maute ayon sa Palasyo

Manila, Philippines – Pinasinungalingan ng Palasyo ng Malacañang ang mga naging pahayag ni Imam Agakhan Sharief na kinausap siya ng kampo ni Pangulong Rodrigo Duterte para makipagnegosyasyon sa Maute brothers.

Sinabi kasi ni Agakhan na isang top aide ng Pangulo umano ang tumawang sa kanya para humanap ng paraan para makausap ng Maute para ibaba na ang kanilang armas at mapalaya din ang mga residente ng Marawi na naiipit sa kaguluhan.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, walang hakbang si Pangulong Duterte na ipakausap ang mga lider ng teroristang grupo na ngayon ay nakikipagbakbakan sa Marawi City.


Binigyang diin ni Abella na hindi makikipag negosasyon ang gobyerno o si Pangulong Duterte sa mga terorista.

Pero matatandaan na una nang sinabi ni Pangulong Duterte pagkadating nito mula sa Russia na inutusan niya si Mindanao Development Authority Chairman Kahir Alonto at OFW Adviser to the President Abdula Mamao na magpunta ng Marawi at makipagusap sa Maute brothers.

Facebook Comments