Pangulong Duterte, hindi sang-ayon sa pagtakbo ni Mayor Sara bilang bise presidente

Hindi sang-ayon si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtakbo ng kaniyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio bilang vice president sa 2022 elections.

Ito ang inihayag ng pangulo sa isang panayam kasunod ng paghahain ni Duterte-Carpio ng Certificate of Candidacy (COC) noong sabado bilang substitute kay Lyle Uy sa ilalim ng partidong Lakas-CMD.

Ayon sa pangulo, naniniwala siyang desisyon nina dating senador at presidential aspirant Ferdinand Bongbong Marcos ang pagtakbo ng kaniyang anak bilang bise presidente.


Pagkatapos ng paghahain ng COC ni Mayor Sara, agad in-adopt ng Partido Federal ng Pilipinas ni Marcos ang alkalde bilang running mate nito.

Samantala, ilang oras lamang matapos ang paghahain ng alkalde ng COC ay umatras naman si Senator Bato Dela Rosa sa kandidatura bilang pangulo sa ilalim ng PDP-Laban.

Habang umatras din si Senator Bong Go sa pagka-bise presidente pero naghain ng COC sa pagkapangulo sa ilalim ng partidong Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS).

Kasunod nito, sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) secretary Martin Andanar na tatakbo rin si Pangulong Duterte bilang bise presidente at bukas ito maghahain ng kaniyang COC.

Facebook Comments