Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na walang dapat ikabahala ang Publiko sa kalagayan ng kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang sinabi ng Malacañang sa harap narin ng hindi pagdalo ng Pangulo sa kanyang nakatakdang aktibidad sa Tacloban City sa Leyte para sa Barangay Summit on Peace and Order.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, hindi naman superhero tulad ni superman ang Pangulo at nakararanas din ito ng sama ng pakiramdam dahil tao lang din naman ang Pangulo.
Hindi naman aniya dapat itong ikabahala at sa halip at dapat pang papurihan dahil alam ng Pangulo ang kanyang limitasyon at ipahinga ang kanyang katawan.
Una nang inanunsiyo ni dating Special Assistant to the President Secretary Bong Go na hindi na dadalo ang Pangulo sa kanyang aktibidad at ang dahilan ay masama ang pakiramdam ng Pangulo pero hindi naman nito nilinaw kung may sakit ito.