MANILA – Posibleng pagsasabihan ng Senate Committee on Justice and Human Rights si Pangulong Rodrigo Duterte na maghinay-hinay na sa kanyang pananalita kaugnay sa kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.Ayon kay Senate Committee Chairman Richard Gordon, sa binabalangkas na committee report maingat na pagsasabihan ang Pangulo lalo’t mainit ito sa International Human Organization.Pero, hindi anya ire-rekomenda ng komite na kasuhan ang Pangulo dahil hindi naman napatunayan sa ilang public hearing na derektang inutos ng Pangulo ang patayan.Hindi rin napatunayan na kagagawan ito ng mga tauhan ng pamahalaan maliban nalang sa ilang insidente ng pagpatay kung saan sangkot ang ilang pulis.Bukod dito, hindi napatunayan sa pagdinig na nagkaroon ng Davao Death Squad (DDS) noong Alkalde pa si P-Duterte.Posibleng ilabas ngayong araw o bukas ang committee report hinggil dito.
Pangulong Duterte, Inabsweto Ng Senate Committee On Justice And Human Rights Sa Isyu Ng Extra Judicial Killings
Facebook Comments