Pangulong Duterte – inimbitahan ni US President Donald Trump sa White House bago ang ASEAN Summit sa Nobyembre

Manila, Philippines – Inimbitahan ni US President Donald Trump na bumisita si Pangulong Duterte sa White House bago ang buwan ng Nobyembre.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana – kung si Trump ang masusunod ay nais nitong makaharap ang Pangulong Durtete bago ang ASEAN Leader’s Summit.

Sa kabila nito, hindi matiyak ni Lorenzana kung matutuloy ang pagkikita ng dalawang lider dahil maging si Pangulong Duterte ay nagdadalawang isip na tanggapin ang alok.


Sa kanyang pahayag, sinabi ni Pangulong Duterte na hindi niya masiguro kung matutuloy ang pagpunta niya ng Amerika dahil marami pa siyang trabaho at nakatakda din niyang bisitahin ang ilan pang mga bansa gaya ng Israel.

Sa isang “friendly call” noong April 29, inimbitahan ni Trump ang Philippine counterpart na bumisita sa kanilang bansa.

DZXL558

Facebook Comments