Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na magpatupad ng balasahan sa mga tauhan nito.
Ito ang direktiba ng Pangulo kay BIR Commissioner Caesar Dulay kasunod ng pagkaka-dismiss ng ilang tauhan nito dahil sa iregularidad.
Sa kanyang “Talk to the Nation Address,” inatasan ni Pangulong Duterte si Dulay na magpasa sa kanya ng listahan ng mga pangalan ay kanyang ire-review ito.
Ganito rin ang kanyang direktiba sa lahat ng pinuno ng lahat ng departamento.
Unang ipinag-utos ng Pangulo sa Department of Justice (DOJ) na imbestigahan ang malawakang korapsyon sa gobyerno.
Facebook Comments