Isinisisi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mahihirap ang pagkakalbo ng kagubatan o deforestation kasunod ng malawakang pagbaha sa ilang lalawigan dahil sa Bagyong Ulysses.
Sa kanyang “Talk to the Nation Address,” sinabi ng Pangulo na ang mga mahihirap na komunidad ay pinuputol ang mga puno at ginagamit ang kahoy para maitayo ang kanilang bahay.
Problema rin aniya ang lumolobong populasyon kada taon.
Isa rin sa suliranin ang pagresolba sa problema ng illegal logging.
Una nang ipinag-utos ng Pangulo sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na imbestigahan ang illegal mining at logging activities sa Cagayan Valley.
Facebook Comments