Nakatakdang lumahok si Pangulong Rodrigo Duterte sa ika-37th Association of South East Asian Nations (ASEAN) virtual Summit na magsisimula bukas, araw ng Huwebes hanggang Linggo, November 15, 2020.
Inaasahang isusulong ni Pangulong Duterte ang posisyon ng Pilipinas sa iba’t ibang pandaigdigang isyu na may kinalaman sa public health emergency cooperation, regional economic integration, karapatan ng migrant worker at usapin sa climate change.
Kasama naman sa inaasahang tatalakayin sa ASEAN Summit ang usapin sa disaster risk reduction management, counter-terrorism at ilang isyu o usapin sa South China Sea.
Posible ring magkakaroon ng pagkakataon si Pangulong Duterte na maka-dayalogo ang mga lider ng bansa na miyembro ng ASEAN higgil sa ginagawang pagtugon sa COVID-19 pandemic at recovery effort.
Ilan naman sa makakasama ng Pangulo sa mga dadalo sa virtual ASEAN Summit ay sina Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr., Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista at Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez.