Judge, binaril ng staff na abogado, patay

3627

Nabulabog ang Manila City Hall bago mag-alas-3:00 kaninang hapon nang makarinig ng mga putok ng baril sa ika-limang palapag ng City Hall.

Ayon sa Manila Police District, pinagbabaril sa loob ng kaniyang opisina ang Judge ng Manila RTC Branch 45 na si Judge Ma. Theresa Abadilla y Samonte, 44-anyos.


Ang suspek ay ang ang kaniyang 42-anyos na Clerk of Court na si Atty. Amador Rebato.

Agad naman rumesponde ang mga tauhan ng MPD-SMART at isinugod sa Manila Medical Center si Judge Abadilla na ayon sa MPD ay dead-on-arrival sa pagamutan.

Nakunan pa ng video na nakaupo sa office chair si Judge Abadilla at hinihila ng mga rumespondeng pulis para maisugod sa ospital.

Matapos barilin ng suspek si Judge Abadilla, sinasabing nagbaril din ito sa kaniyang sarili.




Inaalam pa ng MPD Homicide Division ang motibo sa pamamaril.

Facebook Comments