Pangulong Duterte maayos ang kalusugan ayon sa Malacañang

Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na maayos ang kalagayan ng kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Ito ang sinabi ng Malacañang matapos hindi makadalo ang Pangulo sa dalawa nitong aktibidad noong nakaraang linggo sa Davao City dahil umano sa sakit ng ulo.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, kinailangan lang ni Pangulong Duterte ng pahinga at pagkatapos naman ito ay bumalik naman ang Pangulo sa kanyang mga trabaho.


 

Sinabi ni Panelo na nitong nakaraang weekend ay nanatili lang ang Pangulo sa Davao City at inasikaso ang ilang paperworks at mga dokumentong kailangang pagaralan.

 

Sa ngayon aniya ay nasa Davao City pa ang Pangulo at walang iniindang seryosong karamdaman.

Facebook Comments