Pangulong Duterte, magbibigay ng 100 units ng pabahay sa mga sundalo at mga pulis

Manila, Philippines – Bilang pagtupad sa pangako ay pangungunahan ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay ng mga pabahay sa mga miyembro ng Philippine National Police at mga Sundalo.

Gagawin ang Turnover Ceremony sa Pleasant View Residences sa Barangay Gracebill sa San Jose del Monte Bulacan at ipinakita sa Media ang Model Unit ng mga pabahay.

Nasa mahigit 1700 units ang pabahay sa 6.18 hektaryang lupain at 100 units sa mga ito ay ipamamahagi sa mga Pulis at mga sundalo na nasugatan sa mga operasyon.


Ang ibang units naman ay nakalaan para sa mga mahihirap nating mga kababayan na informal settlers na nasa listahan ng HUDCC at ng NHA.

Matatandaan na inatasan ng Pangulo ang mga kinauukulang tanggapan ng Pamahalaan na lakihan ang bahay at lupang ipamamahagi sa mga pulis at mga mahihirap na kababayan upang mas maging kaaya-aya ang mga ito at hindi parang bahay ng hayop.

Facebook Comments